Calvary Presbyterian Church sa Wilmington
ANG PANANAMBAHAN SA TAGALOG
Disyembre 14, 2025 Ika-8:00 Ng Umaga
Third Sunday of Advent
ANG PANAHON NG PAGDATAL
IPAHAYAG ANG PAG-IBIG NI JESU-CRISTO:
Sa Lahat ng Tao, Sa Lahat ng Dako,
Sa Lahat ng Panahon, Sa Lahat ng Pagkakataon
TAGAPAG SALITA
Pastor Domz Roberto
TAGAPANGUNA
Deacon Hilda Espiritu
AWITIN
Elder Mike Delfin
Eleazar “Eleng” Gonzales
Elser Narz Jardiniano
ANG TAWAG SA PAGSAMBA
* Deacon Hilda Espiritu
“Ikaw ang aking Diyos, ako’y kahabagan, sa buong maghapon ay Siya kong tinatawagan. Panginoon, lingkod mo’y dulutan ng galak, pagkat sa Iyo, kaluluwa ko’y tumatawag. Mapagpatawad Ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa mga nagsisisi, ang Iyong pag-ibig ay mananatili. Pakinggan Mo Yahweh ang aking dalangin, tulungan Mo at kami’y dinggin. Sa aking mga bagabag, tinutugon Mo ang aking mga pag tawag. O Panginoong Diyos, buong puso’y laan, pagpupuri sa Iyo ay magpakailan man." Amen! (Mga Awit 86 Sel.)
PAMBUNGAD NA PANANALANGIN *
MGA PAPURING AWIT
SANLIBUTAN AY MAY TUWA ( JOY TO THE WORLD )
1.
Sanlibuta'y may kat'waan sa Haring pagdatal
Puso nati'y tatahanan mundo'y mag-awitan
Mundo'y mag-awitan, mundo'y mag-awitan
Mundo ,mundo'y mag-awitan
2.
Si Hesus ay ipagdiwang tana'y mag-awitan
Bukid ,burol, kapatagan ,galak ang isaysay
Galak ang isaysay , galak ang isaysay
Galak, galak, ang isaysay
3.
Kasalana'y naparam na, kalungkuta't dusa
Naparito at ang dala pala at ginhawa
Pala at ginhawa, pala at ginhawa
Pala, pala, at ginhawa
4.
Mundo ay paghaharian ng katotohanan
Ang biyayang kaligtasan kakamtan ng bayan
Kakamtan ng bayan, kakamtan ng bayan
Kakamtan, kakamtan ng bayan
ANG GABING IYON AY TAHIMIK ( SILENT NIGHT )
1.
Ang gabing iyon ay tahimik at simoy ay malamig
Tala'y bilang gumuhit sa langit
Marikit na awit ay narinig
Sanggol ay naiidlip, sanggol ay naiidlip
2.
Mapayapa't maliwanag, ang dilim ay tumakas
Mga pastol sa angel nagulat
Nang awit ay marinig na kagyat
Si Kristo'y iniyanak, si Kristo'y iniyanak
3.
Mapayapa at maningning O tala iyong akayin
Makisama sa awit ng anghel
Aleluya ay aming awitin
Kristo'y nilang sa atin, Kristo'y nilang sa atin
Elder Mike Delfin at Praise Team
PAGBABALITA
Rev. Emmanuel Orendain
ANG SALITA NG DIYOS
Lucas 1: 26-38
Ipinahayag ang Pagsilang ni Jesus
Kap. Thelma Delfin
1:26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazareth na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhay sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon ! 29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng anghel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya’y papangalanan mong Jesus. 32 Siya’y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.” 34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako’y isang birhen?” tanong ni Maria. 35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36Hindi ba’t ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunman’y naglihi siya at ngayo’y ikaanim na buwan ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya’y matanda na, 37sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38 Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi. Pagkatapos, umalis na ang anghel.
“Pinagpala tayo sa pagkabasa at pagkarinig ng mga Salita ng Diyos.”
“Ang Sorpresa Ng Pasko”
Pastor Domz Roberto
ANG MENSAHE
PAHAYAG NG ATING PANANAMPALATAYA
“Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa Kanya ang pamamahala; at Siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang-Hanggang Prinsipe ng Kapayapaan. Magiging malawak ang Kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa Kanyang kaharian. Itatatag Niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.”
(Isaias 9: 5-7)
(Ito ang ating pinaniniwalaan, at sa ganito tayo mamumuhay)
HANDOG NA AWIT
Elder Narz Jardiniano
REGULAR OFFERING / EVERYBODY’S BIRTHDAY
“Ang AMA ay papurihan.
ANAK, ESPIRITUNG BANAL.
Ng mga taong nilalang,
at ng tanang sanlangitan. Amen.
DOXOLOGIA
PANALANGIN NG PASASALAMAT *
* Deacon Hilda Espiritu
PANG-HULING AWIT
Munting bayan ng Betlehem
Payapang nahimlay
Sa iyong pagkagupiling
Bitui’y naglalakbay
Sa daa’y nagni ningning
Walang hanggang tanglaw
Pananabik at paninimdim
Ngayon ay naparam
Mapitagan at banayad
Na inihahandog
Ng dakilang manga pantas
Ang bawat kaloob
Ni walang natatatap
Sa boong sinukob
Ng si Cristo ay ianak
Sa yungib ng hayop.
Batang banal ng Betlehem
Kami’y pagpalain
Ang sala nami’y linisi’t
Sa puso’y humimpil
Waring dinig pa namin
Ang awit ng anghel
Manirahan ka sa amin
DIOS na mahabagin.
#181) Munting Bayan Ng Betlehem
PANGWAKAS NA PANALANGIN
PAGPAPALANG APOSTOL
TATLONG AMEN
PRAYER MEETING
Every Wednesday
Zoom ID: 431 491 0817/ PW: 401339
Sunday School Classes
Balik aral po tayo sa ating mga
regular Sunday School Classes.
Prayer List - 1 Pedro 5:7
LA MIRADA VISTAS RESIDENTS
(Lily Ilano, Betty Gorospe, Sining Badua)
Ambel Orendain
Ato at Lita Reyes
Neneng Camaña
Gloria “Guyay” Sardido
Pacing Silla, Ode Lara
Kuya Maning at Ate Auring Pakingan
Panying Saprid
Manong Sol at Manang Fe Solomon
Andoy Alcaraz
Emma Tobias
Richard Poblete
Oyie Sanchez
FRIENDS OF THE CHURCH
Teseng Paredes (Pilipinas)
Paul Atanacio (N. Jersey)
Au Jacinto & Kids (Riverside)
GOD’s Peace & Comfort
Poblete-Amorozo Family
Buclatin-Faculo Family
Koyoma-Cardenas Family
Garde-Remorca Family
Columna (Buclatin, Faculo, Bagon) Family
CPC STAFF and FAMILY
Rev. Eman Orendain
Pastor Victoria Barner
Pastor Domz Roberto
Karine Bendicion
Beth Dominguez
Noel Amorozo
Michael Delfin